Lagi akong nahihirapang ibuod ang proyektong ito tuwing may nagtatanong. Nauutal at nag-aalangan ako kung paano nga ba ipapakilala at palilinawin pa ang mga naratibo na naungkat at pinagtabi-tabi. Kapag kailangan ng sagot, hindi ako nakakapagbigay ng buong pangungusap--pawang mga salita lamang na tanging pinagtagpi-tagpi ng isang manipis na hibla.Ritwal, dasal, tradisyon. Bayan, tahanan, lokasyon.Mahigit-kumulang isang taong inupuan at pinagmunihan ang pagkasukal ng Sa araw-araw na ginawa ng diyos. Ang bawat buwan na lumipas at kathang natapos ay isang pagtatangka upang tanggalin sa pagkakabuhol ang lahat ng ito. Ngunit ngayon, dumating na ako sa pagtanggap na isa itong bungkos ng mga salaysay na masalimuot, magkakasalabid-salabid.Hindi dapat ito pinilit hiwa-hiwalayin. Hindi ba’t humihigpit ang buhol kapag hinihigit ang sinulid palayo?Ang mga bayang ating kinagisnan ay ang pagtatagpo ng ating mga kasaysayan. Habang mayroon lamang akong mga pananda sa mga daan na nabaybay, sa huli ay mga pananda lamang ito. Ang aking mapa ay maraming lagusan, ngunit ang daan palabas ay hahanapin pa.Sa ngayon, nais ko munang manahan sa pagkakabigkis nitong lahat. Sa gitna ng mga kalsada ng aming bayan. Sa mga pagitan ng mga inuusal na dasal. Sa aming bahay. Sa aking kwarto.Inaanyayahan kitang manatili, sa gitna ng lahat ng ito.

BIANCA YSABEL RABE

Maari niyong makuha ang pdf version ng libro dito.